- Lyrics
- Album list
- Singer Intro
Gloc-9( Aristotle Pollisco )
-
Tao
[Featuring:Cookie Chua of Color it Red]
Ang awiting ito'y para sa lahat ng minahal natin Ito'y para rin sa lahat ng mga nagmahal sa atin
Tulad ng isang ibon Tao ay lumilipad Pangarap ang tanging nais Na marating at matupad
Bakit pa luluha Bakit maghihirap Ayaw mang mangyari Ay di masasabi
Minsan tayo ay nalilibang di natin napapansin Oras na lumilipas ang pilit nating lilingunin Sana'y nasabi ko sana'y nalaman niya Sana'y nung giniginaw ay hawak ko ang palad nya Ngunit naisip ko ngayon ay mas dinig Kahit isang bulong kahit na isang pintig Ng puso pag sinabi mong sya'y mahalaga Asahan mong sayo'y ganon di ang kanyang nadarama
Isip ay nalilito PAg nakakita ng bago LAhat ng bagay sa mundo Ay isang malaking tukso
Sasaktan mo lamang Puso ay hwag sugatan Ito'y laro lamang Sa mundong makasalanan
Matapos ang lahat isa lang ang aking napatunayan Huwag mong hayaan na parang alikabok sa langsangan Na nililipadlipad at tuluyan ng mapahalo Pag umula'y magiging putik sa kanal na bumabaho Sabi nga nila ang buhay ay siguradong hindi Lahat ay nakatakda pero di ka pwedeng mamili Kaya't kung may pagkakataon mahigpit mong yakapin Dahil baka bukas sayo ay bigla lang agawin
Tubig ay natuyo Bulaklak ay nalalanta Araw ay lumilipas Sa gabi rin ang punta
Sasaktan mo lamang Puso ay hwag sugatan Ito'y laro lamang Sa mundong makasalanan
Salamat sa pagkakataong kayo ay makasama Salamat sa mga araw may luha man o tawa Salamat sahil nalaman ko ang aking pagkukulang Pero sa kabila nito ako'y di mo kinalimutan Salamat dahil akoý tinuring mong kaibigan Salamat at hanggang sa susunod nating kamustahan
-
|