- Lyrics
- Album list
Sugarfree
-
Kwarto
Maglilinis ako ng aking kwarto Na punong-puno ng galit at damit Mga bagay na hindi ko na kailangan Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban
Oohh… Oohh…
Mga liham ng nilihim kong pag-ibig At litrato ng kahapong maligalig Dahan-dahan kong inipon Ngunit ngayo'y kailangan nang itapon
CHORUS Di ko na kayang mabuhay sa kahapon Kaya mula ngayon, mula ngayon May jacket mong nabubulok sa sulok Na inaalikabok na sa lungkot Find more lyrics at ※ Mojim.com May panyong ilang ulit nang niluhaan Isang patak sa bawat beses na tayo'y nasaktan
REPEAT CHORUS
Mula ngayon
Ala-ala ng lumuluhang kahapon Dahan-dahan ko na ring kinakahon Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya Lumabas ako ng kwarto't naroon siya
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kwarto (4x) Magpapaalam na sa 'yo(3x) Magpapaalam na sa 'yo ang aking kwarto
-
|